Lumahok ang nasa mahigit limampung asosasyon at kooperatiba ng mga nasa agri at aquaculture ng lungsod ng Alaminos sa grand opening ng Agri-Trade & Tourism Expo, kahapon.
Ibinida ng mga magsasaka, mangingisda, at mga irrigators ang kanilang mga agricultural products sa naturang expo.
Binigyang diin umano nito ang patuloy na pagbibigay prayoridad ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agri at aquaculture sa kanilang lungsod maging ang patuloy na suporta at pagsulong pa ng kanilang sektor ng turismo, kooperatiba maging ng pagnenegosyo.
Samantala, inorganisa naman ang naturang expo ng tanggapan ng City Agriculture Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments