Higit P1.3 Milyong halaga ng droga, nasamsam sa tricycle driver sa Quiapo, Maynila

32

Arestado ang 20-taong gulang na tricycle driver matapos mahulihan ng mahigit  isang Milyong pisong halaga ng shabu sa Quiapo, Maynila.

Sa ikinasang buy bust operation ng PDEA, nasamsam sa suspek ang dalawang plastic bag na may lamang mahigit 200 Gramo ng shabu at isang cellphone.


Samantala dalawang notoryus na drug pusher din ang nadakip sa buy bust operation sa Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Caiton at Julius Villanueva.

Nasabat sa kanila ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000;  isang kotse, isang motorsiklo at buy bust money.

Pahaharapin sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers