Higit P10-B na nakolekta mula Enero hanggang Mayo, naitala ng Pag-IBIG Fund

Umabot sa mahigit P10 billion ang nakolekta sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund.

Batay ito sa naitala ng Modified Pag-IBIG 2 Savings program mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario, ito na ang pinakamataas na record na halagang nakolekta ng ahensya.


Ang MP2 Savings Program ay mayroong limang taon na maturity period at minimum savings requirement na nagkakahalagang P500.

Facebook Comments