Higit P100,000 halaga ng umano’y shabu, nasabat sa Taguig City

42

Timbog ang isang ginang na tulak umano ng ilegal na droga sa Taguig City matapos isagawa ang buy bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Maricel Caliso Temporada, alyas “Sarah,” 40-anyos, residente ng Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod.


Nakuha sa kanya ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P180,000

Batay sa ulat ng Taguig City Police, bago ang pag-aresto sa nasabing suspek, nagsagawa muna sila ng weeklong validation at intelligence surveillance operation laban sa nasabing ginang.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City PNP custodial facility at nahaharap siya sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments