Higit P2-M halaga ng Marijuana, Kumpiskado sa dating Sumukong Drug Seller

71

Cauayan City, Isabela- Umabot sa P2. 5-M ang halaga ng Marijuana na kinumpiska ng mga otoridad sa isang suspek na kabilang sa PNP/PDEA DI list matapos ang ikinasang drug buy-bust operation pasado ala-1:30 kaninang hapon sa Brgy. Apanay, Alicia, Isabela.

Sa ulat ng Alicia Police Station, kinilala ang suspek na si Isaiah Jet Co, 26,anyos, self-employed, tubong Brgy. Baluarte, Santiago City at kasalukuyang naninirahan sa Alicia, Isabela.


Nagsanib pwersa ang Provincial Intelligence Unit, PDEA at PHPT Isabela para maglatag ng operasyon dahilan ng pagkaaresto sa suspek matapos di umanong bentahan nito ang ahente ng PDEA ng isang (1) bloke ng Marijuana Hashish na nakabalot ng packaging tape at nagkakahalaga ng P625, 000.

Nakumpiska rin ang tatlo (3) pang bloke ng hinihinalang marijuana hashish na nakabalot ng packaging tape na nagkakahalaga naman ng P1, 875,000 at ang buy-bust money na umabot sa P30, 000.

Samantala, kumpiskado rin ang isang (1) smith at wesson caliber 38 na baril na may apat na bala, isang granada at personal nitong gamit.

Nabatid na dati ng sumuko ang suspek sa Santiago City taong 2016 hanggang sa na-monitor na bumalik sa kalakalan ng pagbebenta ng droga ang suspek habang magiging daan umano ang kanyang pagkahuli para sa iba pang posibleng kasamahan nito.



Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 and 11 ng RA 9165, RA 10591 at RA 9516 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.


📸Isabela Police Provincial Office

Facebook Comments