
300 gramo o P2,040,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat sa isang buybust operation ng Southern Police District Drug Enforcement Unit at Muntinlupa City Police Sub Station 3 sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.
Kasabay nito ay inaresto rin ng mga operatiba ang dalawang suspek; isang lalaki ay 44 na taong gulang at isang babae na 46 na taong gulang.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong plastic packs na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at ilang ebidensiya sa buybust operation at mga drug paraphernalia.
Na-iturn-over na sa Southern Police District Forensic Unit ang mga ebidensiya sa para sa pagsusuri.
Haharap sa patung-patong na reklamo ang mga suspek dahil sa paglabag sa Sale of Dangerous Drugs, Possession of Dangerous Drugs, Conspiracy to Sell Dangerous Drugs ng Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.
Ihahain ang mga reklamo sa prosecutors’ office ng Muntinlupa City.