Higit P200-M jackpot ng Ultra Lotto 6/58, nasungkit ng isang mananaya

4751

Nahakot ng isang mananaya ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Sa ginanap na draw kagabi, natumpak nito ang winning combination na 55-16-17-09-52-20 na may jackpot prize na ₱244,927,422.40.


Mayroon namang 13 consolation prize winners na makakatanggapng tig-131,960 pesos matapos mabitin ng isang numero.

Ang jackpot ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng train law.

Ang Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay isinasagawa ang draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Facebook Comments

From Advertisers