
Cauayan City – Patuloy ang maigting na kampanya ng kapulisan ng lambak ng Cagayan kontra ilegal na droga.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, simula February 22 hanggang February 28, nakapagsagawa ang kapulisan ng 18 Anti-Illegal Drug Operations na nagresulta sa pagkakadakip ng 17 drug personality.
Sa isinagawang operasyon nakumpiska ng kapulisan ang shabu na may bigat na 49.50 grams at Marijuana na mayroong bigat na 10grams.
Umabot naman sa P337, 800 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Hindi naman tumitigil ang hanay ng kapulisan sa pagsugpo ng mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lambak ng Cagayan.
Facebook Comments