Higit P300,000 na halaga ng Shabu, Nakuha sa 2 Suspek sa Nueva Vizcaya

33

Cauayan City, Isabela- Dalawang tulak ng droga ang dinakip ng mga awtoridad matapos ang ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Bayombong,Nueva Vizcaya noong July 23-24, 2021.

Kinilala ang mga suspek na si Riza Marie De Guzman, 40-anyos, may-asawa at residente ng Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya at Joseph Navarro alyas “Burdado”kung saan natakasan ang mga operatiba na siyang target ng operasyon dakong alas-4:45 kagabi sa naturang lugar.


Nakumpiska kay De Guzman ang siyam (9) na pakete ng white crystalline substance o shabu na tumitimbang ng limang (5) gramo at nagkakahalga ng P34,000, mga drug paraphernalia at apat (4) na bala ng baril.

Samantala, pasado ala-1:40 kaninang madaling araw sa isinagawang hot pursuit operation laban kay Navarro ay tuluyan na itong naaresto sa Purok 3, Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya

Nakumpiska naman mula sa kanya ang 11 piraso ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 40 gramo at may market value na P272,000 at mga drug paraphernalias.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.



Facebook Comments