HIGIT P4B HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, MAGKAKASUNOD NA NAREKOBER SA BAYBAYIN NG WESTERN PANGASINAN

Umabot pa sa mahigit apat na bilyong piso ang halaga ng mga hinihinalang shabu na natagpuang palutang-lutang sa iba’t-ibang bahagi ng katubigan sa Western Pangasinan.
Sa magkakasunod na tatlong araw, 42 sako na may lamang 588 vacuum-sealed plastic packs ang natagpuan ang 19 mangingisda sa mga baybayin ng Agno, Bani at Bolinao.
Tinatayang nasa 630 kgs ang timbang nito at nagkakahalaga ng abot P4.3B.
Mas pinaigting ng Philippine Coast Guard ang kanilang pagbabantay sa mga baybayin, at mas pinalakas pang koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies sa posibleng paglitaw pa ng mga kontrabando.
Samantala, mayroong dalawang sako pa ang isinurrender ng mga mangingisda sa Sta. Cruz, Ilocos Sur na kahalintulad ng mga napadpad sa Pangasinan.
Patuloy naman ang monitoring ng awtoridad sa posibilidad na marami pang kontrabando ang tangayin sa hilagang bahagi ng bansa.
Hinimok naman ng tanggapan ang publiko na agad ipagbigay-alam ang insidente sakaling makatagpo ng kahina-hinalang bagay sa laot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments