Higit sa ₱100,000 na halaga ng suspected shabu, nasabat sa Quezon City

67

Arestado ang 4 na suspek kasunod ng kinasang buy bust operation ng QCPD Station 4 sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnold Castillo, 52 years old; Michelle Cervan, 34 years old; Juan Garcia, 57 years old; and Raymund Bautista, 42 years old.

Ayon kay Plt.Col. Von June Nuyda, ang Station Commander ng PS 4, nakipagkita ang mga suspek sa Sta. Maxima, Villareal, Brgy. Gulod, para magbenta ng shabu.


Hindi nila alam na pulis na pala ang ka-transaksyon.

Matapos maabot ang mark money, inaresto ang mga suspek at binasahan ng kanilang karapatan.

Aabot sa ₱115,000 na suspected shabu ang na-recover ng pulisya.



Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampang reklamo sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments