Higit sa 500 libong halaga ng pabango, ninakaw sa warehouse sa Mandaluyong City; Mga suspek, arestado

111

Mandaluyong City – Arestado sa kinasang entrapment operasyon ang 4 na lalaki matapos nilang pagnakawan ang warehouse ng pabango sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City kaninang madaling araw.

Naging maaksyon ang paghuli sa mga suspek na agad hinarang ang sinasakyang kotse habang sila ay papatakas na kinilala ang mga arestadong suspek na Ronald Tuvera, Cedrick Como, at Leo Arot.

Huli rin si Ramil Camoan na empleyado ng nasabing warehouse.

Ayon sa pulisya, modus ng grupo kakaibiganin nito ang guwardya bago pasukin ang warehouse.

Sa una at ikalawang pagkakataon, tagumpay ang kanilang pagnanakaw pero sa 3 pagkakataon hindi na sila umubra dahil bago na ang gwardya.

Higit sa 500k piso na halaga ng pabango ang nabawi sa mga magnanakaw, at pag-aaralan din kung bakit markado ng PNP and plate number ng getaway vehicle.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Camoan habang theft naman ang kaso ng tatlo niyang kasama.

Facebook Comments