HIGIT SAMPUNG PORSYENTO NG MGA DAGUPENO, BAKUNADO NA LABAN SA COVID-19

12

Higit sampung porsyento na ng mga Dagupeño ang bakunado ng COVID-19 Vaccine sa lungsod ng Dagupan ayon kay City Mayor Marc Brian Lim sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony matapos itong gumaling sa nakakahawang sakit.

Ayon sa alkalde ng lungsod katumbas ito ng higit 20, 000 na indibidwal ang naturukan ng bakuna at 4. 7 % ang fully vaccinated.


Aniya, maganda umano ang tinatakbo ng vaccination program sa lungsod at kung darating ang sampung milyong karagdagang bakuna sa bansa tiyak umanong mabibigyan ang lungsod upang maging tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga eligible priority group.

Sa huli hinikayat nito ang lahat na maging maingat sa sakit at huwag matakot na magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments