Himas rehas ang mga tukoy na most wanted persons sa Pangasinan matapos ang mas pinaigting na operasyon ng awtoridad sa lalawigan.
Sa loob lamang ng isang linggo, nasa tatlumpu’t-isang indibidwal mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ang naaresto ng hanay ng kapulisan dahil sa kanilang kinakaharap na mga kaso.
Ayon kay Pangasinan PPO Acting Provincial Director PCol. Ricardo David, ito ay bunga ng koordinasyon ng bawat kapulisan at ang pakikipagtulungan ng mga Pangasinense, tungo sa pakikiisang mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.
Samantala, mas pinaigting pa ngayon ang Manhunt Charlie Program o ang patuloy na pagtugis sa mga taong may atraso sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments