HIGPIT SEGURIDAD | DND, kinukumpirma ang ulat na mayroong pumasok na terorista sa Mindanao

385

Beniberipika na ng Department of National Defense o DND ang mga ulat na may nakapasok na mga terorista sa Mindanao mula sa gitnang silangan.

Ito ay matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa isang ahensya sa Singapore na nagmo-monitor sa mga galaw ng mga terorista mula sa Syria at Middle East.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinusuyod na sila ang Sulu, Lanao del Sur, Basilan at Central Mindanao para ito ay maberipika.

Sabi ng kalihim, nakakabahala kung totoo ang balitang ito dahil eksperto sa paggawa ng pampasabog ang naturang banyagang terorista.

Facebook Comments