HIGPIT SEGURIDAD | NCRPO, nagpakalat na ng tauhan para sa nalalapit na Undas

18

Manila, Philippines – Nagpakalat na ng tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga terminal ng bus, bilihan ng mga bulaklak, mga sementeryo at mga matataong lugar.

Ito ay kasabay ng pagdagsa ng mga bibisita sa puntod ng kanilang mga kaanak at magsisipag-uwi sa kani-kanilang mga lalawigan sa Undas.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, sapat ang kanilang mga tauhan na ipinakalat para magbigay ng seguridad sa iba’t-ibang lugar.

Naglagay na rin sila ng mga help desk para tumulong sa mga pasahero at magbigay serbisyo.

Facebook Comments