HIGPIT SEGURIDAD | PDEA, maglalagay ng tanggapan sa mga pantalan

11

Manila, Philippines – Maglalagay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga tanggapan sa mga pantalan simula ngayong taon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, inilatag ang random agreement sa Philippine Port Authority para labanan ang paglipana ng ilegal na droga.

Aminado naman si Aquino na wala silang tanggapan sa mga pantalan sa bansa kung saan napupuslit ang mga droga at ang mga gamit sa paggawa nito.

Tiniyak naman ni Aquino na makikipagtulungan sila sa Philippine Coast Guard (PCG) at maritime agencies para mainspeksyon ang mga pantalan at mga barko.

Facebook Comments