HIGPIT SEGURIDAD | SPD, tiniyak ang seguridad ng Makati RTC

123

Manila, Philippines – Tiniyak ng Southern Police District o SPD ang seguridad sa Makati Regional Trial Court sa September 13.

Ito ay kaugnay ng nakatakdang pagdinig sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) para maglabas ng alias warrant of arrest at Hold Departure Order (HDO) laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay SPD Director Chief Superintendent Tomas Apolinario, magpapadala siya ng mga tauhan para makatuwang ng Makati police sa pagbibigay ng seguridad sa lugar.

Aniya, titiyakin rin nilang walang magiging problema sa mga rutang dadaanan ng senador patungo sa korte kung manggagaling ito ng Senado.

Facebook Comments