Hihinalaang drug pusher, arestado sa Marikina City

30

Humigit kumulang P400,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina Police Chief P/Col. Restituto Arcangel ang suspek na si Mellowie Buen, alias Bossing, 28-anyos at bagong nakilala bilang high-value target.

Naaresto ang suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Marikina City Police Station’s Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Gen. Ordoñez Street, Barangay Marikina Heights.

Nakumpiska sa suspek ang 17 plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 60 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P408,000, itim na sling bag, 9mm Pistol (Norinco), isang pirasong empty magazine, apat na pirasong buhay na bala ng 9mm, Toyota Avanza, at P500 buy-bust money.

Nakakulong na sa Marikina City Police Station custodial facility ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments