Hiling ng ICC na imbestigahan ang giyera kontra droga, batay lamang sa mga sabi-sabi – Palasyo

92

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pananagutan sa mga nangyaring crimes against humanity sa kamapanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga alegasyong ipinupukol kay Pangulong Duterte ay batay lamang sa mga sabi-sabi.


Aniya, galing lamang sa media ang sources ng mga alegasyon.

Dagdag pa ni Roque ang findings ng International Criminal Court (ICC) prosecutor ay walang basehan.

Nabatid na humiling si ICC prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization na imbestigahan ang giyera kontra droga.

Facebook Comments