Hiling ng PBA na team trainings, inaprubahan ng Batangas City Govt.

33

Inanunsyo ng Philippine Basketball Association (PBA) na pumayag na maging host ng gagawing training ng ilang koponan.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nag-commit ang Batangay City LGU na gamitin ang kanilang Coliseum at gym ng Batangas State University bilang training venues.


Maaring masimulan ang team practices sa kalagitnaan ng Mayo.

Anim na koponan ang gusto ang Batangas bilang training venues, habang nasa dalawang team ang ikinokonsidera ang alok ng Ilocos Norte LGU.

Makikipagpulong si Marcial sa mga opisyal ng Batangas City sa mga susunod na araw para talakayin ang ipapatupad na health protocols.

Facebook Comments