Himpilan ng pulisya sa bayan ng Roxas, Isabela – balak salakayin ng CPP NPA

1495

Roxas, Isabela – Ibinunyag ni Police Chief Inspector Dennis Pamor, hepe ng PNP Roxas, Isabela na base sa natanggap nilang intel report, isa ang kanilang himpilan sa mga balak salakayin ng mga makakaliwang grupo.

Ayon kay Pamor, ipinagbigay alam na rin niya ang nasabing ulat kay Mayor Jonathan Jose Calderon.


Puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng mga kapulisan ng nasabing himpilan.

Naglagay na rin sila ng mga patong-patong na gulong at graba sa harapan ng kanilang himpilan.

Dagdag pa ni Inspector Pamor, mas mainam na maging handa kaysa mabigla sila gaya nang nangyari sa Maddela Police Station sa lalawigan ng Quirino na sinalakay ng mga rebeldeng grupo.
DZXL558

Facebook Comments