Hinaing ng 22 Pilipinong mangingisda, tiniyak na maipapadala sa Pangulo

69

Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ipararating niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng 22 mangingisdang Pinoy na papanagutin ang Chinese vessel na bumangga sa kanila sa Recto Bank.

Para sa kalihim, isa lang ordinaryong maritime incident ang nangyari.


Pero aniya, aksidente man o sinadya hindi pa rin tama na iniwan ng mga Tsino ang mga mangingisdang Pinoy sa gitna ng dagat na maaari nilang ikinamatay.

Naniniwala naman si Piñol na ang salaysay ng cook ng F/B Gem-Ver 1 na si Richard Blaza ang pinaka kapani-paniwala dahil ito lang ang gising nang mangyari ang insidente.

Pero hindi naman nila isinasantabi ang pahayag ng iba pang sakay ng bangka na ayon sa kalihim ay mahalaga sa maritime inquiry.

Facebook Comments

From Advertisers