HINAMON | MRT General Manager Rodolfo Garcia, pinagbibitiw sa pwesto

33

Manila, Philippines – Hinamon na rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez si MRT3 General Manager Rodolfo Garcia na magbitiw sa pwesto.
Ito ay dahil na rin sa madalas na aberya ng MRT.
Si Garcia ang pinakahuli sa mga napagdiskitahan na pagbitiwin ni Alvarez sa posisyon kasunod ng hamon nito kahapon kay LTO Chief Edgar Galvante na mag-resign dahil hindi pa rin nalulutas ang problema sa plaka ng mga sasakyan.

Tulad sa LTO Chief, dismayadong-dismayado si Alvarez kay Garcia dahil matagal na ito sa pwesto pero ni hindi naaayos ang maintenance ng MRT 3.
May impormasyon pang natatanggap ang Speaker na hindi pumapasok sa opisina si Garcia.

Facebook Comments