HINARANA | Pangulong Duterte, dinaluhan ang 70th birthday ng kanyang dating asawa

127

Manila, Philippines – Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-70 taong kaarawan ng dati niyang asawa na si Elizabeth Zimmerman sa Davao Convention Center.

Ayon sa Pangulo – kung mabibigyan pa siya ng pagkakataon o panibagong buhay, handa niyang pakasalan muli si Zimmerman.

Hinarana rin ng Pangulo si Zimmerman ng kanyang paboritong kantang OPM na ‘Ikaw’ at kapwa nagbigay ng kanilang halik sa isa’t-isa.

Nanatiling sibil ang relasyon ng Pangulong Duterte at ni Zimmerman na mayroong tatlong anak: Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sebastian Duterte.

Facebook Comments