HINARANG | P67M na halaga ng smuggled rice mula Vietnam, nasabat sa Zamboanga Sibugay

36

Zamboanga Sibugay – Nasa animnapu’t pitong milyong pisong halaga ng smuggled rice mula ang Vietnam ang nasabat sa Olutanga Island, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Rear Admiral Rene Medina, Commander ng Naval Forces Western Mindanao – naharang nila ang isang Mongolian-flagged ship na MV Diamond 8 na kargado ng mahigit 27,000 sako ng bigas.

Sinubukang pahintuin ng BRP Mariano Alvarez ang barko pero hindi umano ito tumugon.

Nakapagbaba pa ito ng nasa 8,000 sako ng bigas sa dalawang motor vessel na MV Yssa Maine at MV Yousra na pareho namang nakatakas nang dumating ang navy ship.

Samantala, 63 crew ng barko ang naaresto kung saan 51 rito ay mga Pinoy.

Facebook Comments