HINAY HINAY LANG | Total closure sa Boracay, kinontra ni Senator Gatchalian

935

Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Senator Sherwin Gatchalian ang
planong lubos na pagsasara sa buong Boracay habang isinasailalim ito sa
rehabilitasyon.

Katwiran ni Gatchalian, maaapektuhan nito ang 30,000 na mga mangagawa sa
Boracay at magpapalala ito sa unemployment rate sa bansa.

Sa halip na isara ay iminungkahi ni Gatchalian na gawing by phase o hatiin
sa ilang bahagi ang 90-araw na pagsasaayos sa boracay at unahin ang mga
kritikal na istraktura tulad ng drainage system at solid waste management
system.

Pinapasampahan din ni gatchaian ng kaso ang 300 lumabag sa builging code at
environmental laws.

Iginiit din ni Gatchalian ang paghahain ng administrative cases laban sa
mga Local Government Units na nabigong gampanan ang kanilang tungkulin na
pamahalaan ng maayos at protektahan ang isla ng Boracay.

Sabi ni Gatchalian, dapat din ay maglatag ng long term sustainable
masterplan para sa boracay na mahigpit na ipapatupad.

Facebook Comments