Hindi ako sangkot sa Illegal Activities- Mayor Cuan

Mariing itinatanggi ni Libungan North Cotabato Mayor Christopher “Amping” Cuan ang mga kontrobersiya na kinasasankotan nito.

Palaisipan rin ngayon para sa Alkalde kung bakit idinadawit ang kanyang pangalan lalo na sa mga illegal activities sa panayam ng DXMY .Kaugnay nito , pinabubulaanan ni Mayor Cuan ang mga alegasyon na di umanoy sangkot ito sa illegal na gawain lalo na sa Droga.

Matatandaang noong nakaraang taon ay hinaluhog ng mga kapulisan ang tahanan ni Mayor Cuan ngunit naging negatibo sa hinahanap na droga. Habang ngayong buwan ng November ay napabilang naman ito sa listahan ng mga ilang opisyales sa buong bansa ng tinanggalan ng police powers.


Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin aniya sa kanyang pagbibigay serbisyo ang alkalde para sa kanyang mga kababayan kahit pa man may banta sa kanyang seguridad.Ipinasasadiyos na rin aniya nito ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang political career.

Facebook Comments