‘Hindi ako uupo at mananahimik’: Angel Locsin, naglabas ng saloobin tungkol sa ABS-CBN closure

3725
(Angel Locsin Instagram)

Isa ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa ilang personalidad na naglabas ng pahayag tungkol sa pagpapatigil sa ABS-CBN.


Nitong Martes ay naglabas ng saloobin ang aktres sa Instagram kasunod nang anunsyong pagpapasara ng naturang network.

Saad ni Angel, “Para sa kapwa. Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin sa lalo na sa panahong ito.”

Mapapanood sa ipinost niyang video ang isang emoji na yakap-yakap ang ABS-CBN logo at may caption na “Para sa #MayalangPamamahayag”.

Nagpasalamat din ang aktres sa ABS-CBN at sinabing, “To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo.”

Mayroon siyang kasunod na post sa IG na makikita ang logo ng ABS-CBN.




Aniya, “May 5, 2020. Araw na hindi malilimutan. Isang mahigpit na akap sa mga mahal ko sa ABS-CBN. Mahigit 11,000 ang hindi makakatulog ngayong gabi 💔 #LabanABSCBN.”

Sa IG story ng aktres, ibinahagi niya ang post ng ilang celebrity gaya ni Angel Aquino kung saan sinabi niyang “Game. Hindi ako uupo at mananahimik.”

(Screenshot of Angel Locsin IG story)

Kaugnay nito ay naglabas din si Angel ng saloobin sa kanyang Twitter account.

“Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na “buti nga nagsara ang ABS”, sana masarap ang tulog ninyo ngayon gabi at nakapagbayad na ng bills. Sana rin masarap rin ang mga napamalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan,” saad niya.

Samantala, naging Kapamilya star si Angel noong 2007.

Isa rin siya sumuporta ng sa network simula nang dumaan ito sa pagsubok tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Facebook Comments