HINDI APEKTADO | Mga batikos laban sa Pangulo patungkol sa kanyang pahayag sa Diyos, hindi iniinda ng Pangulo – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na tanggap at hindi naman iniinda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batikos sa kanya matapos ang kanyang pahayag patungol sa Diyos.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, paulit-ulit namang sinasabi ni Pangulong Duterte na handa siya sa mga puna sa kanya ng mamamayan dahil ang mga ito ay nagpapasweldo sa kanya.

Kung tutuusin aniya ay naibato na lahat ng akusasyon at batikos laban sa Pangulo at tinanggap naman ito ng malugod nito dahil kinikilala ng Pangulo ang kalayaan ng lahat sa pananalita.


Kaya naman walang mairereklamo ang sino man laban sa Pangulo dahil hindi naman nito pinigilan ang kalayaan sa pamamahayag ng sino man at hinahayaan lang ng Pangulo ang mga batikos laban sa kanya.
Ito aniya ang demokrasya sa bansa na umaandar ngayon na itinataguyod ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments