HINDI BAYAD SA MATRIKULA | Estudyante, nagbigti matapos umanong sabihang hindi ga-graduate

128

Isabela – Patay ang isang estudyante makaraang magbigti matapos umanong
sabihan ito ng kanyang guro na hindi siya ga-graduate.

Kinilala ang biktima na si Ronnel Sergia, labing walong taong gulang.

Naniniwala ang ina ng biktima na si Mela Sergia na kasalanan ng guro na si
Mark Anthony Cabison kung bakit nagpakamatay ang kaniyang anak.

Sinabi raw kasi ng guro na hindi makapagtatapos si Ronnel dahil hindi pa
kumpleto ang bayad nito sa paaralan.

Nakita pa aniya nito ang message ng kaniyang anak sa guro kung saan
sinabing nasaktan ito sa birong hindi siya ga-graduate.

Sa ngayon, tumanggi muna ang guro na magbigay ng kaniyang pahayag hingil sa
insidente.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments