HINDI GAWAIN NG SIBILISADONG TAO | Pananambang sa abogado ni Kerwin Espinosa, kinundena ng IBP

Manila, Philippines – Kinundena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pag-ambush sa abugado ni Kerwin Espinosa.
Ayon sa IBP, hindi gawain ng sibilisadong tao ang pag-atake kay Atty. Jonnah John Ungab na bise alkalde rin ng Ronda, Cebu.
Anila, ang pag-atake kay Ungab ay hindi na dapat nangyayari sa kasalukuyang henerasyon.
Si Ungab ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo tambangan ito habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Osmeña Street sa North Reclamation, Cebu City.
Kagagaling lamang ni Ungab sa pagdinig sa korte sa Cebu kasama si Espinosa nang mangyari ang pag-atake sa kanya.
Noong Agosto 2016, pinatay din ang isa sa mga abugado ng pamilya Espinosa na si Atty. Rogelio Bato.

Facebook Comments