HINDI KASAMA | Pangangampanya sa social media – hindi hihigpitan ng COMELEC

59

Manila, Philippines – Hindi kasama sa pangangasiwaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kampanya ng mga kandidato sa social media.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang social media kasi bilang isang instrumento ng paglalahad ng personal na saloobin ay protektado rin ng konstitusyon.

Gayunman, maari aniyang bantayan ng COMELEC ang mga bayad na online post o boosted post.

Malaya rin aniya ang mga netizen na mangampanya para sa kanilang mga kandidato sa pamamagitan ng social media.

Samantala, nilinaw din naman ni Jimenez na hindi batayan ang hindi pagiging kilala ng isang pangalan o kandidato para matawag itong nuisance candidate.

Facebook Comments