Hindi maayos na koordinasyon ng MMDA na nagdulot ng matinding trapiko noong Sabado, pinuna ni NCRPO Chief Albayalde

43

Manila, Philippines – Pinuna ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang hindi maayos na koordinasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kasunod ito ng matinding traffic na naranasan ng mga motorista noong Sabado ng gabi.
Humingi naman ng dispensa at pang-unawa si MMDA spokesperson Celine Pialago.
Muli rin nakiusap ang MMDA sa mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.
Samantala, nag-abiso rin ang mga awtoridad sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa mga susunod na araw dahil sa ASEAN lanes at Stop and Go Scheme na magpapatuloy hanggang sa Miyerkules.

Facebook Comments