HINDI MAKAPANIWALA | Misis na pinagpira-piraso ng kaniyang asawa, na-cremate na

107

Caloocan City – Naging emosyonal ang pamilya ng ginang na pinagpira-piraso ng kaniyang mister sa Barangay Holy spirit Quezon City matapos itong ma-cremate sa La Loma Crematory sa Caloocan City. Mismong ang pamilya ni Heidi Estrera ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari kung saan umaasa sila na makakmit ang hustisya para sa nasabing biktima. Hindi sinaksihan ng ina at babaeng kapatid ni Estrera ang cremation at sa halip ay aabangan na lamang nila ang mga abo nito sa lalawigan ng Iloilo kung saan paglalamayan si Estrera. Naka-detine naman na at nakasuhan sa Camp Karingal ang asawa ng biktima na si Orlando Estrera at napag-alaman na walang inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutor’s Office para sa pansamantalang kalayaan nito.

Facebook Comments