HINDI MAKATWIRAN? | Kampanya ng gobyerno na ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ tinututulan ng grupong Piston

147

Manila, Philippines – Mariing binabatikos ng grupong Piston ang ginagawa ng operasyon ng DOTr na “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” dahil maraming mga tsuper ang nagugutom.

Ayon kay Piston National President George San Mateo sasabayan nila ng sunod sunod na kilos protesta kung saan nagsasagawa ng operasyon ang LTFRB at LTO ng Tanggal Bulok, Tanggal Usok na hindi umano tama ang kanilang pamamaraan ng pagsusuri sa mga lumang sasakyan.

Paliwanag ni San Mateo hindi makatwiran umano ang ginagawa ng gobyerno na panggigipit sa kanilang hanay dahil simula umano ito ng phase out sa mga lumang sasakyan.

Giit ni San Mateo ihahayag nila sa tamang panahon ang malawakang kilos protesta upang iparamdam umano sa gobyerno ang kanilang mariing pagtutol sa nakatakdang phase out sa mga lumang pampasaherong jeep.

Facebook Comments