HINDI NAGBABALAK | VP Leni Robredo – walang ambisyon na tumakbo sa pagka-pangulo

421

Manila, Philippines – Wala umanong ambisyon si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022.

Sa kanyang talumpati sa Mandaluyong, sinabi ni Robredo na naniniwala siyang hindi dapat inaambisyon ang pagiging Pangulo.

Para sa pangalawang pangulo, kusa itong mangyayari kung ito ang nakatakda.

Hindi rin naman daw niya pinangarap na maging Bise Presidente pero naniniwala siyang may dahilan kung bakit siya nahalal.

Kahit marami ang galit at naninira sa kanya, gagamitin pa rin daw niya ang kanyang posisyon para makatulong.

Facebook Comments