Hindi pag-anunsyo ng brand ng bakuna laban sa COVID-19, umarangkada na sa Parañaque City

43

Umarangkada na sa Ayala Mall, Manila Bay sa Parañaque City, isa sa pinaka-malaking Vaccination Hub ang hindi pag-anunsyo ng brand ng bakuna laban sa COVID-19.

Kapansin-pansin din na kung dati-rati ay kasama sa confirmation text ang brand ng bakuna na gagamitin, sa ngayon ay hindi na ito isasama at iisang text confirmation na lang ang pinapakita ng isa sa vaccination hub sa araw na iyon kung saan ang nakalagay na lamang ay ang lugar, petsa, at oras ng pangyayari.


Karamihan sa mga residente ay hindi inaalintana kung anong brand ang gagamitin, ang mahalaga raw para sa kanila ay ang magkaroon ng proteksyon panlaban sa COVID-19.

Pero kung sila umano ay pahihintulutan na mamili kung anong brand ang gagamitin, ang mas nanaisin nilang bakuna ay ang bakunang mula sa mga kanlurang bansa o western countries.

Kumpara sa mga nakalipas na araw, mas maayos at mas organisado na ang pila at mayroon pa ring walk-in sa naturang mall.

Facebook Comments