HINDI PAG GAMIT NG CELLPHONES KAPAG MISA, KAKAYANIN KUNG GUGUSTUHIN

Kakayanin naman ng mga nagsisimba kung gugustuhin na walang cellphone sa kasagsagan ng misa.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Father Alvin Platon, matagal naman ng panawagan ang hindi pag gamit ng Cellphones sa kasagsagan ng misa.
Sa katunayan aniya ay may mga announcement pa sa mga Simbahan bago ang misa subalit sadyang matigas ang ulo ng mga nagsisimba.

Nauna na din nag paalala noon si Pope Francis kaugnay dito na dapat aniya ay sinusunod dahil maging mga nagsisimba talaga ay maaapektuhan.
Muli kasing naungkat ang isyu ng hindi paggamit ng Cellphones sa misa matapos nanawagan si Bishop Francisco De Leon ng Archdiocese ng Antipolo na wala muna cellphone kapag misa. |ifmnews
Facebook Comments