Hindi paglalaro ng ilang star players ng Warriors dahil sa injury, sinamantala ng Memphis Grizzlies

Ipinahiya ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors, 132 – 117.

Tumabo ng 32 points si Grizzlies Player Evon Carter habang nakapagbuslo ng 22 points si Justin Holiday.

Nanguna naman sa Warriors si Kevin Durant na may 21 points at Klay Thompson, 19 points.


Sinamantala ng Grizzlies ang pagkakataon na hindi nakalaro ang ilang basketball star ng Warriors na sina Stephen Curry, Demarcus Cousins, Draymond Green at Shaun Livingston dahil sa injury.

Pinilit namang makalaro nina Kevin Durant, Klay Thompson at Andre Iguodala kahit may sakit.

Ayon kay Warriors Coach Steve Kerr,  nasa maayos nang kalagayan si Curry matapos magtamo ng right ankle injury sa laban nila sa New Orleans Pelicans noong Martes.

Facebook Comments