Hindi pagsasapubliko ng diplomatic protest laban sa China, okay lang sa liderato ng Senado

57

Manila, Philippines – Hindi isyu para kay Senate President Tito Sotto III kung ayaw isapubliko ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang diplomatic protest laban sa China.

Kuntento na si Sotto sa garantiya ni Locsin na totoong naghain ang gobyerno ng diplomatic protest laban sa China.


Buo ang kanyang tiwala ni Sotto kay Secretary Locsin kaya hindi na niya kailangang makita para makilatis pa ang diplomatic protest.

Una rito ay iginiit ni Senator Risa Hontiveros at ilang taga oposisyon na isapubliko ang diplomatic protest kaugnay sa panggigitgit ng China sa West Philippine Sea.

Pero tumanggi si Locsin at sinabing manigas ang mga gustong makakita ng diplomatic protest.

Facebook Comments

From Advertisers