HINDI PRAYORIDAD? | Budget Sec. Benjamin Diokno, tinawag na teacher’s enemy number one

108

Manila, Philippines – Tinawag na teacher’s enemy number one ng mga gruo si Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ito’y matapos sabihin ni Diokno na hindi prayoridad ng pamahalaan ang kanilang umento sa sahod.

Ayon kay Benjamin Valbuena, Act Philippines Chairman, kinokonta ni Diokno ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang kanilang sahod.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang sinabi ang pangulo na gusto niyang doblehin ang sahod ng mga grupo.

Pero ipinag-utos ni Duterte sa kaniyang gabinete na gawan ng paraan kung paano patatasin ito.

Dahil dito, magsasagawa ng protesta ang mga guro sa tanggapan ng DBM ngayong araw.

Facebook Comments