HINDI TAKOT │Stop and Go Coalition, hindi sasama sa isasagawang nationwide transport strike ng Piston

174

Manila, Philippines – Nilinaw ni Stop and Go Coalition President Jun Magno na hindi sila lalahok sa isasagawang nationwide transport strike ng grupong PISTON sa Lunes at Martes, December 4 at 5.

Sa interview ng RMN kay Magno, hindi sa takot silang makansela ang kanilang mga prangkisa kundi wala kasing maayos na pakikipag-ugnayan sa kanila ang grupo ni PISTON National President George San Mateo.


Paliwanag pa ni Magno, hangga’t maaari kasi dinadaan nila sa diplomasya ang mga bagay na gusto nilang iparating sa gobyerno.

Yun nga lang aniya, ang nangyayari kasi ay hanggang usap lang ang nangyayari at walang aksyon sa kanilang panawagan.

Facebook Comments