HINDI TAKOT │Speaker Alvarez, handang mawalan ng trabaho at ang kongreso para sa revolutionary government

Manila, Philippines – Hindi natatakot si House Speaker Pantaleon Alvarez na mawalan ng trabaho sakaling maisulong nga ang Revolutionary Government.

Sa ilalim ng Revolutionary Government, lahat ng sangay ng gobyerno ang Lehislatibo at maging Hudikatura, ay otomatikong i-a-abolish kasama na rin ang paglusaw o hindi pagsunod sa Konstitusyon.

Ang kapangyarihan sa ilalim ng RevGov ay nasa pinuno o sa Pangulo lamang kung saan maaari niyang palitan ang lahat.


Handa si Alvarez kung sakaling matuloy ang RevGov at pabiro din nitong sinabi na nauubos na ang kanyang buhok sa Kongreso.

Facebook Comments