HINDI TATAKASAN | Dating Palawan Governor Joel Reyes, tiniyak na wala siyang balak takasan ang kanyang kaso

33

Manila, Philippines – Tiniyak ni dating Palawan Governor Joel Reyes na wala siyang balak takasan ang kaniyang kaso sa Sandiganbayan.

Ito’y matapos mabigo ang Sandiganbayan 3rd division na maglabas agad ng ruling sa urgent motion ng Ombudsman na ibalik sa kulungan dahil sa pangambang tumakas itong muli.

Giit ni Reyes, hindi niya tatakasan ang anumang kaso dahil naniniwala siya sa rule of law.

Binigyan naman ng korte ang mga abogado ni Reyes nang hanggang Lunes (Enero 12) para sagutin ang mosyon ng prosekusyon.

Si Reyes ang pangunahing akusado sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Doctor Gerry Ortega at pinalaya noong January 5 ng Court of Appeals dahil walang batayan ang palawan Regional Trial Court na ipagpatuloy ang paglilitis sa kanyang kaso.

Facebook Comments