Hinihinalang sink hole sa EDSA Connecticut, inaayos na ng MMDA

Manila, Philippines – Inaayos na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang hinihinalang sink hole sa EDSA Connecticut.

Nabatid na nakita ito ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group at MMDA nitong Huwebes.

Kailangang ayusin ang buong kalsada dahil posibleng malambot ang lupang sumusuporta rito.


Nagsagawa na ng assessment ang DPWH sa sinasabing butas at magsasagawa ng reblocking sa lugar.

Facebook Comments