HINIKAYAT | PNP, hinimok ang CHR na inspekyunin ang lahat ng kulungan sa bansa

Manila, Philippines – Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang Commission on Human Rights (CHR) na inspeksyunin ang lahat ng mga kulungan sa buong bansa.

Ayon kay Albayalde, ito ay para makumbinsi ang mga Local Government Unit (LGU) na pondohan ang pagpapalawak ng mga kulungan sa harap ng problema sa jail congestion.

Giit naman ni CHR Commissioner Gwen Pimentel-Gana, welcome sa kanila ang hamon ng PNP basta bibigyan sila ng pagkakataon na makapag-inspeksyon ng buong laya.


Facebook Comments