HINIKAYAT | Sen. Pimentel, hinimok si Sara Duterte na tumakbo sa 2019 senatorial elections

390

Manila, Philippines – Inuudyukan ni Senador Koko Pimentel si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-senador sa 2019 Midterm Elections.

Ayon kay Pimentel, dapat tumakbo si Mayor Sara para mabigyan ng malakas na representasyon ang mga taga-Mindanao.


Aniya, ang pagiging local chief executive nito ay makatutulong para makabuo siya ng mahalagang panukalang batas na may kinalaman sa peace and order at socio-economic planning secretaries sa Mindanao.

Makatutulong din ang alkalde sa pagpapalaganap ng kamapanya tungo sa pederalismo.

Facebook Comments