HINIMOK | VP Leni – hinikayat ang taumbayan na makinig sa SONA ni P-Duterte

Manila, Philippines – Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang taumbayan na makinig sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodirgo Duterte bukas.

Sabi ng Bise Presidente, mahalagang mapakinggan at malaman kung ano na ang mga nagawa ng administrasyong Duterte sa loob ng tatlong taon.

Saka na raw siya magbibigay ng sarili niyang ulat sa bayan kapag napakinggan na niya ang ulat ng Pangulo.


Alas-4 ng hapon bukas, magbibigay ng ulat sa bayan si Pangulong Duterte sa batasan pambansa.

Facebook Comments