Hirit na imbestigasyon sa Pacquaio-Horn fight, ibinasura ng World Boxing Council

Manila, Philippines – Ibinasura ng World Boxing Council (WBO) ang hiling ni Manny Pacquiao at ng Games and Amusement Board na magsagawa ng imbestigasyon sa referee at istilo ng scoring ng mga judges sa Pacquiao – Horn Fight.

Paliwanag ng WBO, hindi na pwedeng baligtarin ang naging desisyon ng judges sa naturang laban.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Pacquiao – Horn fight matapos na sabihin ng ilang boxing fans na dinaya ang pambansang kamao.


Samantala, sinabi naman ng Australian boxer na si Jeff Horn na hindi siyang naniniwalang mismong si pacquiao ang gustong magpa-review ng naging laban nila.

Aniya, napaka-humble na tao ni Pacquiao at napatunayan niya ito nang batiin siya pagkatapos ianunsyong siya ang nanalo sa laban.

Posible aniyang mga tao lang sa paligid ni Pacquiao ang may gustong ipa-review ang laro.

Una nang sinabi ni Pacquiao na bukas siyang magkaroon ng rematch kay Horn na sinang-ayunan rin ng Australian boxer sa kondisyong Australia pa rin gaganapin ang laban.

Facebook Comments